VP Sara, namahagi ng groceries sa MC drivers

VP Sara, namahagi ng groceries sa MC drivers

December 17, 2022 @ 12:29 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naligayahan ang mga motorcycle for hire drivers ng dumating at namahagi ng groceries sa kanila si Vice President Inday Sara Duterte sa isang pagtitipon ng mga MC drivers sa Batasan Park, Quezon City ngayong hapon.

“Salamat sa inyong tulong sa ating mga kababayan na araw-araw ay kinakailangan na sumabak sa trapiko. Patuloy kayong maging maingat hindi lang sa inyong sarili subalit maging sa inyong mga pasahero,” pahayag ni VP Sara.

(c) Cesar Morales

Matatandaan na si VP Sara ay bumaba sa nasabing lugar noong panahon ng kampanya kung saan mga drivers din ng Joyride, Angkas at iba pa ang sadya nito.

“Kami po ay nagpapasalamat sa ating mahalbna Vice President Sara Inday Duterte. Patuloy ang pagmamahal at suporta ang kaniya pinakikita at pinagkakaloob sa ating mga motorcycle drivers,” pahayag ni Angkas CEO George Royeca.

“Ang Angkas po ay patuloy tutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan na kailangan ng ating serbisyo. Serbisyo na ligtas at patas ang aming patuloy na ipagkakaloob,” dagdag pa nito.

Nasa larawan si Vice President Sara Duterte (gitna) habang namamahagi ng groceries sa motorcycle for hire drivers kasama si Angkas CEO George Royeca (kaliwa). RNT