VP Sara OIC ng bansa habang wala si Marcos – Palasyo

VP Sara OIC ng bansa habang wala si Marcos – Palasyo

November 10, 2022 @ 7:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Si Vice President Sara Duterte ang magiging officer-in-charge ng bansa habang nasa Cambodia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits.

Kinumpirma to ng Malacañang sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 nitong Miyerkules ng hapon.

Tumulak si Marcos patungong Phnom Penh upang dumalo sa Summits, na nakikita niyang oportunidad para isulong at protektahan ang interes ng Pilipinas.

Inihayag ng Pangulo na tatalakayin nila ang regional cooperation sa maritime security, climate change, food security, health cooperation, at economic recovery sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Idinagdag niya na magiging instrumento ang ASEAN upang tugunan ang regional issues gaya ng COVID-19 pandemic, sitwasyon sa Myanmar, developments sa South China Sea at kasalukuyang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine. RNT/SA