VP Sara pumunta sa Abra, nagpugay sa mga guro

VP Sara pumunta sa Abra, nagpugay sa mga guro

October 5, 2022 @ 6:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagtungo si Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte ngayong Miyerkules, Oktubre 5 sa Abra upang doon ipagdiwang ang selebrasyon ng National Teachers’ Day.

“Our teachers are the honor of our country and we must give importance to their role in the development of the country,” ani Duterte bilang pagpupugay sa mga guro na nagpunta sa Abra Sports Complex kung saan ginanap ang isang programa.

Nakipagkita siya sa nasa 3,500 teaching at non-teaching personnel mula sa 27 bayan ng probinsya.

Kasabay nito, siniguro ni Duterte na tututukan niya ang kakulangan sa educational facilities at infrastructure upang mapabuti pa ang kalidad ng edukasyon sa mga estudyante.

Maliban sa Bise Presidente, kasama niya si First Lady Liza Araneta-Marcos at nakipagkita sa mga opisyal ng Abra maging kay Brig. Gen. Mafelino Bazar, hepe ng Police Regional Office – Cordillera.

Nagpasalamat naman si DepEd Regional Director Estella Carino kina Duterte at ipinaabot ang balita ng resiliency sa lahat ng kanilang mga teaching at non-teaching personnel na sa kabila ng pandemya at nagdaan magnitude 7 na lindol ay tuloy pa rin sa kanilang trabaho. RNT/JGC