VP Sara tikom-bibig sa tinapyas na confidential fund

VP Sara tikom-bibig sa tinapyas na confidential fund

November 25, 2022 @ 10:51 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – “Tikom na ang bibig” ni Vice President Sara Duterte sa naging desisyon ng Senado na tapyasan ng P150 milyong confidential fund ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng inaprubahang P5.268-trilyong national budget sa 2023.

Ang katuwiran ni Duterte “We already stated our piece about the confidential funds during the hearing sa House of Representatives and sa Senate.”

Si Duterte ay siya ring Kalihim ng DepEd.

Sa ulat, bumaba sa P30 milyon ang confidential fund ng ahensiyang pinamumunuan ni VP Duterte, pero ang tinapyas na P120 milyon ay inilipat lamang sa Healthy Learners Institution Program ng DepEd.

Si Sen. Risa Hontiveros ang nagsulong ng pagtapyas sa confidential funds ng DepEd na kinatigan naman ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance.

Tinatayang, umabot sa P152.67 milyon mula sa kabuuang P4 bilyong confidential fund sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ang tinanggal sa panukalang budget.

Sinabi ng DepEd na ang pondo ay gagamitin sa mga programa laban sa “sexual grooming,” “active shooter copycats,” “insurgency recruitment” ng mga kabataan, at drug involvement ng mga mag-aaral. RNT