Vulcanizer patay sa sumabog na gulong

Vulcanizer patay sa sumabog na gulong

March 17, 2023 @ 12:45 PM 1 week ago


TUAO, Cagayan- WASAK ang mukha at putol ang kamay ng isang vulcanizer matapos na sumabog ang gulong ng trak na binu-vulcanize nito, iniulat kahapon, Marso 16 sa bayang ito.

Kinilala ni PMAJ Junjun Balisi, hepe ng Tuao Municipal Police Station ang biktima na si Romnick Bogar, 21-anyos, at residente ng Barangay Bayug.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, ginagawa ng biktima ang gulong ng truck at habang nilalagyan niya ito hangin ay bigla na lamang itong sumabog.

Sa lakas ng pagsabog, nagtamo ng matinding pinsala sa mukha at naputol pa ang kamay ng biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Mary Anne Sapico