Vulnerable sectors ‘high risk’ sa pagkakasapul sa monkeypox – eksperto

Vulnerable sectors ‘high risk’ sa pagkakasapul sa monkeypox – eksperto

July 19, 2022 @ 6:38 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Mataas ang panganib na masapul ng monkeypox ang immunocompromised persons, mga bata, buntis, at matatanda ayon sa infectious disease expert nitong Martes.

Itinuturing namang mababa ang kabuuang panganib ng pagkakahawa n g general population sa sakit, ayon kay Dr. Rontgene Solante, pinuno ng adult infectious diseases sa San Lazaro Hospital.

Mula Enero 1 nitong taon, may kabuuang 7,892 monkeypox cases na naiulat sa non-endemic countries, base kay Solante, mula sa datos ng World Health Organization.

Wala pang naiuulat na kaso ng sakit sa Pilipinas. Magugunitang inihayag ng Department of Health nakahanda sila upang pigilan ang pagkalat nito.

Nakukumpirma ang pagkakahawa sa monkeypox sa pamamagitan ng RT-PCR testing, habang maaari ring gamitin ang antigen test sa ibang bansa, base sa eksperto.

Kumakalat ang virus sa endemic countries sa pamamagitan ng animal-to-human contact, dahil ang mga residente ay karaniwang nangangaso at kumakain ng mga hayop na may impeksyon, sabi ni Solante.

Nagkaroon din ng outbreak kamakailan sa pamamagitan ng human-to-human contact o tsa mga taong may iba’t ibang sexual partners, base kay Solante.

“If you’re exposed, wash your hands, always wear your face mask. In any case you have a patient with fever and rashes, always observe contact and respiratory precaution,” paalala naman ng eksperto. RNT/SA