Wade, pumirma ng lifetime contract sa kompaniya ng sapatos, NBA career, tiyaka na!

Wade, pumirma ng lifetime contract sa kompaniya ng sapatos, NBA career, tiyaka na!

July 19, 2018 @ 9:18 AM 4 years ago


 

Beijing, China – Kahit hindi pa sigurado kung ipagpapatuloy ang karera sa NBA, siniguro naman ng NBA star na si Dwayne Wade na planado na ang kaniyang post-NBA career.

Pumirma na kasi si Wade, 36-anyos, ng isang lifetime contract extension sa isang Chinese apparel company na Li-Ning, na kaniyang nirerepresenta simula pa noong 2012, kahapon (July 18) sa isang event sa Beijing upang ipakita ang bagong Way of Wade 7 na sapatos.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa usaping pera ngunit sinasabi sa kontrata na kailangan pumunta ni Wade sa mga developmental camps at clinics sa China at sa buong mundo.

“This was something I needed to do from the standpoint of building something,” sabi ni Wade sa isang panayam.

“That’s what I set out to do. This word we all talk about, legacy, I tried to set out to build a legacy for myself and my family. And after six years of that, it’s cool to be here today.”

Hindi pa rin malinaw kung patuloy siyang maglalaro sa Heat o sa iba nang kupunan sa NBA.

Sinabi ni Wade na pagtutuunan niya ng pansin ang kaniyang NBA career sa kaniyang pagbalik mula sa China. Kasama naman ni Wade sa naturang bansa ang kapwa free agent at Heat teammate na si Udonis Haslem.

Naglaro si Wade para sa Cleveland Cavaliers sa simula ng last season at lumipat sa Heat noong February para sa 2024 second-round draft pick. (Remate News Team)