‘Wag magsuot ng damit na may mukha, pangalan ng kandidato sa eleksyon – Comelec exec

‘Wag magsuot ng damit na may mukha, pangalan ng kandidato sa eleksyon – Comelec exec

April 20, 2022 @ 1:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagbabala si Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia nitong Miyerkules sa mha botante na huwag magsuot ng damit na may mukha o pangalan ng kanilang ibobotong kandaidato sa araw ng halalan, dahil itinuturing umano itong pangangampanya.

“Huwag na pong ganu’n. That’s campaigning. Bawal na po ang campaigning sa araw ng eleksyon,” sabi ni Garcia.

“‘Yung magsusuot pa po kayo ng may pangalan o may mukha, that’s campaigning po. Iwasan na lang po natin,” paalala pa niya.

Subalit nilinaw ni Garcia na pinapayagan ang pagsusuot ng damit na may campaign color o slogan ng kandidato.

“Wala pong problema kung gusto niyo po magsuot ng kulay ng kandidato niyo dahil ‘yun naman po ay isang karapatan,” paglilinaw niya.

“Kung ‘yung slogan po, wala naman po tayong magagawa. At least po ‘yun, hindi campaigning ‘yun,” dagdag pa ng commissioner.

Para sa Halalan 2022, pipili ang mga botante mula sa 10 presidential candidates, siyam na vice presidential bets, 64 senatorial hopefuls, at 177 party-list groups. RNT/SA