Wag po kayong magalit: Aiko, tumangging papalitan niya si Sharon sa isang pelikula kasama si Gabby

Wag po kayong magalit: Aiko, tumangging papalitan niya si Sharon sa isang pelikula kasama si Gabby

June 25, 2018 @ 3:33 PM 4 years ago


Mariing itinanggi ng aktres na si Aiko Melendez na papalitan niya raw umano si Sharon Cuneta sa isang pelikulang pagtatambalan nila ni Gabby Concepcion.

Sa isang Facebook post sinabi ni Aiko na mayroon siyang offer na pelikula kasama ang aktor pero nilinaw niya na ito ay iba pa sa pelikulang pagsasamahan ni Gabby at ng kaniyang dating asawa na si Sharon.

“Read the script already. International film company… But nothing is definite yet… But if this pushes through, no truth to the rumor that this was the same film that he was supposed to do with Ms. Sharon Cuneta,” sabi niya.

“Iba po to… I am also one of those people who are looking forward for their reunion movie pero hindi po ‘tong project na gagawin po namin if ever kaya ‘wag po kayo magalit,” dagdag pa ng aktres.

Matatandaan na kamakailan ay nagdiwang ang mga fans ng tambalang Sharon at Gabby matapos silang makita on-screen para sa Valentine’s Day ad ng isang fast food chain.

Ngunit matapos ang inakalang pagmamabutihan ng dalawa, tila may naging problema nanaman matapos i-delete ni Sharon ang larawan nilang dalawa ni Gabby sa kaniyang Instagram page na sinundan ng iba’t ibang reaksiyon mula sa kanilang fans.

Kasunod nito, sinabi ni Sharon sa isang deleted na comment na, “Guys, I am sorry. Star has done as much as they can. I have done as much as I could.”

“This is hurtful to me as well. If you are upset, how do you think I feel? Star or I did not want to break your hearts. My heart is broken.”

“And I am so very tired. It may be hard to accept, but there may never be another Sharon-Gabby movie again. Sorry.”

Walang inilabas na opisyal na dahilan kung bakit kinansela ang nasabing proyekto.

Samantala, bilang patunay na hindi si Aiko ang papalit sa proyektong dapat sana pagbibidahan ng dalawa, sinabi ng aktres na ang pelikulang pagsasamahan nila ni Gabby ay ipro-produce ng Korean. (Remate News Team)