Wage hike petition ikinakasa na sa Kamara

Wage hike petition ikinakasa na sa Kamara

September 15, 2022 @ 1:51 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ikinakasa na ng House of Representatives ang pagdinig para sa isinusulong na wage hike.

Ayon kay House committee on labor and employment chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles prayoridad ng komite na matalakay agad ang mga panukala para sa salary increase sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang mga pangunahing bilihin kung saan tinukoy nito ang ulat na ipinalabas ng Pulse Asia na nagsasabing 45% ng mga Filipino ang nanawagan ng taas sweldo.

Ani Nograles sa ngayon ay inihahanda nila ang pakikipagusap sa mga stakeholders at pagkaraan nito ay itatakda na nila ang pagdinig ukol sa hirit na dagdag sweldo.

“The labor issue is a gut issue, because the ability of Filipino families to afford food amid inflation is directly linked to the pay they receive from their jobs. We in Congress understand the clamor of our people and we would like to reassure them that we are taking steps to address the problem,”paliwanag ni Nograles.

Humingi naman ng pang unawa ang mambabatas sa mga manggagawa dahil mahabang diskusyon ang pagpasa sa national minimum wage.

“Mahaba-habang diskusyon pa po ito dahil masalimuot ang issue. While everyone is united in the desire to have higher wages, we also have to ensure that employers are not run to the ground because of this. Kailangang mabalanse natin ang iba’t ibang interes at humanap ng compromise,”pagtatapos pa nito. Gail Mendoza