Waiver sa rental fees ng NAIA tenants pinalawig ng MIAA hanggang sa pagtatapos ng 2021

Waiver sa rental fees ng NAIA tenants pinalawig ng MIAA hanggang sa pagtatapos ng 2021

August 28, 2021 @ 11:57 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Pinalawig ang waiver sa rental payments ng tenants sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddess Hope Libiran, inaprubahan na nila Transportation Secretary Arthur Tugade at Manila International Airport Authority (MIAA) ang waiving ng rental payments sa lahat ng concessionaires sa NAIA.

 “Lahat ng rental payments ng mga concessionaires sa food, retail at lounge sa NAIA ay waived na,” saad ni Libiran.

“Matatandaang inaprubahan ni Secretary Tugade ang initial waiver para sa rental payments ng mga concessionaires sa NAIA noong January to June 30, 2021.” RNT/FGDC