WALA NANG ATRSAN ANG 2022 ELECTIONS COMELEC

WALA NANG ATRSAN ANG 2022 ELECTIONS COMELEC

January 13, 2022 @ 10:19 AM 7 months ago


TULOY  na tuloy ang eleksyon sa darating na May 9,2022 kahit anomang mangyari ay kailangan umano matuloy ang halalan, ayon ito sa Commission on Elections.

Naniniwala ang Comelec na hindi makakansela ang darating na 2022 national elections kahit nakararanas ang bansa ng malaking pagtaas sa kaso ng COVID-19 na maaaring umabot sa Mayo.

“We think it’s unlikely na aabot tayo sa punto na magka-cancel tayo ng elections,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.

Ganon pa man, ayon kay Jimenez, posibleng pansamantalang matigil ang halalan sa ilang lugar kung mahahawa ng virus ang mga miyembro ng ‘electoral board members.’

Pero agad naman umano itong magtutuloy kapag nakahanap na kaagad ng kapalit kahit sa mismong araw ng halalan.

 Isa po kasi sa mga pinangangambahan na magiging “superspreader events” ang “in-person” na panga­ngampanya ng mga kandidato.

 Kaya naman naghahanda na umano ngayon ang Comelec ng website kung saan makapagsasagawa ng “live-stream” o tinatawag nilang “e-rallies” para mangampanya.

Ayon pa sa Comelec kamakalawa ay nag-umpisa na ang “election period” sa bansa, kaya nagkasa na rin ang Comelec, pulisya at military ng election checkpoints para maipatupad ang gun ban hanggang Hunyo 8.

Siguro naman, mga kababayan ko, alam ninyo na kung ano-ano ‘yung ipinatutupad ng Comelec sa tuwing may halalan…kaya sana ay sumunod na lamang po tayo.

PATULOY ANG TONG-COLLECTION SA NORTHERN DISTRICT

Sundot na naman sa Camanava area, walang takot itong isang alias King na umano’y nagpapakilalang tong-collector daw siya ni Northewrn District P/Bgen.Santiago Hildalgo sa mga iligal na pasugalan sa nasabing distrito.

Totoo ba kaya itong Gen.Hidalgo?

Aba’y kahit kasagsagan ang pananalasa ng OMICRON Virus ay hindi tumitigil si alyas King sa pangongolekta ng weekly tong collection sa nasabing distrito.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]