Wala pang extradition request kay Quiboloy-Remulla

Wala pang extradition request kay Quiboloy-Remulla

December 13, 2022 @ 8:09 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naghahantay lang ang Department of Justice (DOJ) sa anumang posibleng kaso na maaaring isampa ng gobyerno ng Estados Unidos laban sa ebanghelistang si Apollo Quiboloy.

Wala pang kahilingan sa extradition ngunit susundin ng Pilipinas kung ano ang kahihinatnan at direktiba ukol sa kaso, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Noong Disyembre 9, inihayag ng US Department of the Treasury’s Office of Foreign Assets Control ang mga parusa sa “a diverse array of over 40 individuals and entities that are connected to corruption or human rights abuse across nine countries,” kabilang si Quiboloy.

“We’re waiting on the sidelines kung ano magiging action nila. We’re looking at the cases to be filed. We’re waiting for things to happen on our end,” ani DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla sa isang interbyu. “Sa atin naman kasi, we have a treaty with them, we have an extradition treaty and we have to abide by the terms of conditions our agreements with our friends from abroad.”

Karaniwang tumatagal ang proseso ng extradition, dagdag pa ni Remulla.

“Marami pang mangyayari dito. Kailangan pa nilang magsampa ng mga kinakailangang kaso. Inuna lang ‘ata nila itong freezing of the assets. So wait and see lang tayo,” dagdag pa niya.

Sinabi ng gobyerno ng US na “corrupt actors and human rights abusers both rely on deficiencies in the international financial system to perpetrate their activities. By exposing the egregious behavior of these actors, we can help disrupt their activities, dismantle their networks, and starve them of resources.”

Ang 72-anyos na si Quiboloy, tagapagtatag at pinuno ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (KOJC), ay kinasuhan sa US noong Nobyembre 2021 at inilagay sa most wanted list ng Federal Bureau of Investigation sa unang bahagi ng taong ito para sa kanyang “alleged participation in a labor trafficking scheme that brought church members to the United States, via fraudulently obtained visas, and forced the members to solicit donations for a bogus charity, donations that actually were used to finance church operations and the lavish lifestyles of its leaders.” RNT