Wala pang proof of life sa 34 missing sabungero-PNP

Wala pang proof of life sa 34 missing sabungero-PNP

August 29, 2022 @ 9:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police na wala pa silang nakikitang ‘prrof of life’ para sa iniimbestigahang nawawalang mga sabungero.

Sa kabila nito, umaasa ang kapulisan na makikita nila ang mga ito nang buhay.

Sinabi rin ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na mayroon na silang nakuhang tip ukol sa kinaroroonan ng mga sabungero pero bineberipika pa nila ito at hindi sila titigil hanggang sa mahanap ang mga ito.

Nauna nang sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ang mga pamilya ng 34 na nawawalang sabungero ay nakatanggap ng mga tawag na nag-aalok ng pera kapalit ng pag-atras ng imbestigasyon. RNT