Wala pang rekomendasyon galing MMC sa susunod na alert level — Olivarez

Wala pang rekomendasyon galing MMC sa susunod na alert level — Olivarez

December 30, 2021 @ 12:26 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Wala pang rekomendasyon ang mga mayor ng National Capital Region sa alert level na ipatutupad sa Enero 2022, ayon kay Metro Manila Council chairperson Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Sa panayam sa Dobol B TV, sinabi ni Olivarez na pag-aaralan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang naturang usapin.

“Pag-aaralan po nang mabuti ‘yan ng IATF at magkakaroon po ng pagpupulong ulit ‘yan with the MMC.”

Aniya, tinitimbang pa nila ang ekonomiya, kalusugan, kabuhayan, at maliliit na negosyo.

Paliwanag pa ni Olivarez, sa ngayon ay magpapatupad muna ang Metro Manila ng granular lockdowns.

Samantala, nilinaw nito na ang mandato sa COVID-19 vaccination ay dapat manggalin sa national government at hindi sa local governments.

“It should be a national, executive order, o batas na ipapatupad. Kami po sa baba, ipapatupad lang naming.” RNT/FGDC