WALA SA ISKEDYUL NA PPA BIDDING, PINAIIMBESTIGAHAN



WALA SA ISKEDYUL NA PPA BIDDING, PINAIIMBESTIGAHAN

June 9, 2021 @ 2:07 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

HINIHIMOK ng House of Representatives na imbestigahan ang wala sa iskedyul na pagsasagawa ng Philippin public bidding sa mga pantalan na pinangangasiwaan ng pamahalaan at iba pang pasilidad nito. Bakitttt?

Sa bisa ng House Resolution 1822, hinimok ni Oriental Mindoro Second District Rep. Alfonso Umali, Jr. ang Committee on Good Governance and Public Accountability and Transportation na suriin ang bagong panuntunan at regulasyon ng PPA, partikular na ang pagpapaupa ng terminal sa kadahilanang nababahala ito.

Ang dahilan, hindi ni-renew ng PPA ang management contract para sa operasyon nito ng serbisyo ng cargo at ro-ro sa pantalan ng Calapan City (ganon pala).

“Marred by corruption” at “grossly disadvantageous to the government” ang bidding sa gitna ng pandemya, ani Umali. Ang mga epekto nito ay maaaring magresulta rin sa pagkatanggal sa trabaho ng 11,000 na obrero ng Calapan Labor Service Development Cooperative.

Ipinaalam ng nasabing mambabatas na siya, kasama si Oriental Mindoro First District Rep. Paulino Salvador “Doy” Leachon, ay nagpadala ng liham kay Pangulo Rodrigo Duterte ukol dito.

Ewan ko na lang kapag hindi pa magkadarapa itong PPA na ito dahil sa umabot na ito sa kaalaman ni Pang. Digong. He…he…he…

Ayon sa HR 1822, limang pantalang pinangangasiwaan ng pamahalaan ang ipinagkaloob sa mga korporasyon na tila pinapaboran ng PPA kabilang na ang Puerto Princesa, Ormoc, Tabaco, Legaspi at Calapan.

Binigyang-diin ni Umali na nagkakahalagang P1.2 bilyon ang naipagkait sa pamahalaan dahil sa piniling bidder ng PPA na sa salita ni Umali ay “which, usually, [don’t] even offer the highest bid for the projects.”

Ayon pa kay Umali, ang mga kompanyang pinaboran ng PPA ay may pangunahing layunin na maisailalim sa monopolyong pagkontrol sa pangangasiwa sa mga pantalan at ang mga kompanyang mula sa Metro Manila ay may kaugnayan sa mga operasyon ng domestic port at shipping sa bansa.

Ang malayang pag-access at pagiging pamilyar ng mga kompanya sa PPA ang nagbibigay sa kanila ng kalamangan sa bidding habang ang mga operator ng mga pantalan sa probinsya ay napagkakaitan ng patas na pagkakataon na lumahok.

“The officials of the PPA-taking advantage of their position and influence-have given unwarranted benefits, advantage, and preference to a single corporate entity through manifest partiality, collusion, and evident bad faith,” nakasaad sa resolusyon ni Umali.

“The conduct of bidding of the government ports by the PPA in the middle of the COVID-19 pandemic and economic recession at a time where health and safety is the primary concern, and in an environment designed for the benefit of chose few participants makes this action of the PPA very untimely and highly questionable.”


  •  
  •  
  •