Walang aberya sa unang araw ng pasukan – DepEd

Walang aberya sa unang araw ng pasukan – DepEd

August 22, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa kasalukuyan ay maayos at “hitch-free” ang pagsisimula ng klase para sa school year 2022-2023, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sinabi ni DepEd spokesman Michael Poa na wala pang natatanggap na ulat ang departamento ng anuman insidente kaugnay ng pagbubukas ng klase hanggang nitong alas-9:20 ng umaga.

“As 9:20 a.m. po, base po sa mga updates ng ating mga Regional Directors, maayos at mapayapa po ang pagbabalik Eskwela ng ating mga learners,” pahayag niya.

“Wala pa pong nakakarating sa amin na untoward incidents. Patuloy po kaming naka-monitor sa ating mga paaralan,” dagdag ni Poa.

Nagsimula ang school year 2022-2023 nitong Lunes at matatapos sa Hulyo 7, 2023.

Nauna nang inihayag ng DepEd na magkakaroon ang school year ng 203 school days, “or as may be determined by further issuance/s in case of changes in the school calendar due to unforeseen circumstances.”

Halos 46% ng mga paaralan sa bansa– kapwa pampubliko at pribado– ang inaasahang magkakasa ng in-person classes, limang araw sa loob ng isang linggo.

Kumakatawan ito sa 24,175 paaralan sa buong bansa.

samantala , 51.8%, o 29,721 paaralan ang magkakasa ng blended modality, na may in-person classes nang hindi bababa sa tatlong beses sa isang linggo, at ang natitira ay isasagawa online o sa pamamagitan ng paggamit ng learning modules.

Limitado naman sa distance learning ang natitirang 1,004 paaralan, na 1.29% lamang. RNT/SA

(Mga larawan kuha ni Danny Querubin)