Walang ambag sa inuman kinatay ng 2 katoma sa Bulacan

Walang ambag sa inuman kinatay ng 2 katoma sa Bulacan

July 15, 2021 @ 2:46 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Bulacan-Patay ang isang 44 anyos na binata na walang naibigay na ambag sa inuman matapos pagsasaksakin sa leeg ng dalawang kainuman sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang dalawang naarestong suspek na sina Jeric Pienpiong,26 at Benjamin Pienpiong,46 habang ang biktima ay si Roberto Cano kapwa residente ng Brgy.Sto.Cristo.

Sa report ng SJDM police,nangyari ang insidente bandang 6:30 pm nitong Martes,July 13 sa Sitio Bacood,Brgy.Sto Cristo.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon,sa kasagsagan ng inuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang suspek na si Jeric at  biktima na walang naibigay na ambag sa kanilang inuman.

Nang magpaalam umuwi ang biktima ay kanila itong sinundan hanggang sa pagtulungan saksakin sa leeg.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Quirino highway.

Agad naman isinugod sa Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte ang biktima subalit dead on arrival ito.

Dahil dito,agad na rumesponde ang mga pulis kasama ang ilang Barangay Tanod hanggang sa mahuli ang mga suspek at marekober ang isa sa patalim na ginamit.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek. Dick Mirasol III


  •  
  •  
  •