‘WALANG ASIM, WALANG ARRIVE ANG PNP’ – SEN. BATO DELA ROSA

‘WALANG ASIM, WALANG ARRIVE ANG PNP’ – SEN. BATO DELA ROSA

September 15, 2022 @ 5:25 PM 3 weeks ago


‘IN broad day light, hinarang ng mga armadong lalaki ang sasakyan ng isang Malaysian saka hinoldap, tinangay ang P8 million cash sa Taguig City.

Ang holdap ay nangyari sa ika nga’ y ‘most unexpected place’ – sa Skyway malapit pa sa National Capital Region Police Office headquarters at nasaksihan ng mga motorista dahil nagdulot pa ito ng trapiko.

Sa mga nakaraang araw, kaliwa’t kanan din ang nauulat na kidnapping sa iba’t ibang lugar sa bansa na ang mga biktima – kung ‘di mga bata ay mga kababaihan, karamiha’y mga estudyante.

Mga ambush sa mga pulis at militar na ikinasawi na ng ilan. Ang hold-up at iba pang krimen, ganon din ang drug dealing at pushing ay tila pangkaraniwan na lamang.

Laganap ang komisyon ng krimen kaya, marahil nakapagbitaw si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ng mga salitang ” walang asim at walang arrive” ang kasalukuyang liderato ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr.

Para maghayag ng ganitong pananalita si Bato, aba’y pahiwatig ito ng dating PNP chief na palpak at “di siya natutuwa sa kasalukuyang pamunuan ni Azurin.

Siguro’y kailangang mag-step up si Azurin sa mga dapat gawin bilang PNP top man dahil bilang pinuno ng mahigit 225,000 strong PNP members, walang ibang masisi kung magiging failure siya sa kanyang pamumuno.

In fairness, may mga programa ang PNP na ikinasa sa mga rehiyon pero dahil buwan pa lamang din ang liderato ni Azurin kaya ang resulta ay hindi pa nararamdaman ng taumbayan.

Sa akin lang, Isang bagay na marahil nais makita ni sen bato at ang sambayanan kay gen azurin ay ang aggressiveness at activeness na umiral sa mga nakaraang pnp chief na tila hindi nakikita sa kasalukuyang hepe ng pambansang kapulisan.

Nakukulangan, marahil si Bato sa nakikitang dapat gawin at angas na dapat makita kay Azurin kaya nasabi niyang “walang asim, walang dating” ang kasalukuyang PNP.