Walang bagyong inaasahan sa weekend – PAGASA

Walang bagyong inaasahan sa weekend – PAGASA

February 10, 2023 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na wala silang nakikitang anumang bagyo na maaaring mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility hanggang sa weekend.

“Nananatiling mababa ang tiyansa na magkaroon tayo ng bagyo in the next days sa ating Philippine Area of Responsibility,” ayon kay Pagasa weather specialist Patrick del Mundo nitong Biyernes, Pebrero 10.

Samantala, magdadala naman ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon ang northeast monsoon o amihan.

“Sa bahagi ng Quezon at may Bicol region magiging maulap ‘yung kalangitan na may mahinang pag-ulan o may mga pag-ulan dahil pa din yan sa epekto ng amihan,” sinabi pa ni Del Mundo.

Inaasahan naman ang maayos na panahon sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC