Walang banta ng tsunami kasunod ng M-6.8 quake sa Nicaragua – Phivolcs

Walang banta ng tsunami kasunod ng M-6.8 quake sa Nicaragua – Phivolcs

April 21, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Nicaragua nitong Huwebes.

“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” pahayag ng ahensya.

Tumama ang lindol na may lalim na 10 kilometro, malapit sa dagat ng Nicaragua bandang alas-3:42 ng hapon. RNT/SA