Walang banta ng tsunami sa M6.5 Papua New Guinea quake – PHIVOLCS

Walang banta ng tsunami sa M6.5 Papua New Guinea quake – PHIVOLCS

February 26, 2023 @ 8:13 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Siniguro ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology nitong Linggo, Pebrero 26 na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Papua New Guinea.

“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” pahayag ng PHIVOLCS sa kanilang Tsunami Information No. 1.

Linggo ng umaga ay niyanig ng lindol ang New Britain region ng Papua New Guinea sa lalim na 65 kilometro ayon sa ulat ng United States Geological Survey. RNT/JGC