Walang binitay na Pinoy ngayong 2022 – DFA

Walang binitay na Pinoy ngayong 2022 – DFA

December 28, 2022 @ 6:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Walang overseas Filipino sa death row ang binitay ngayong taon, ayon sa  Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules.

“Ang major accomplishment po namin, ng opisina, iyong tinatawag nating Legal Assistance Fund – iyong pagbibigay ng legal assistance sa ating mga kababayan. Itong taon walang na-execute na Pilipino,” ani DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Jose de Vega sa public briefing.

Binanggit niya ang apela sa foreign governments subalit hindi nagbigay ng detalye.

Nitong Setyembre, humiling ang Pilipinas ng Philippines executive clemency sa Indonesia para kay Mary Jane Veloso, na sinintensyahan ng bitay noong 2010 matapos mahatulang guilty sa drug trafficking.

Itinanggi ni Veloso ang mga alegasyon laban sa kanya at iginiit na niloko siya ng kanyanga recruiters na tumanggap ng maleta na naglalaman ng iligal na droga.

Sinabi pa ni de Vega na tiniyak ng pamahalaan ng Pilipinas ang kaligtasan ng mga Pilipinong stranded sa Ukraine.

“In Ukraine, no Filipino was hurt, and we were able to give assistance in different ways, such as by helping them move to other parts of Europe,” ani de Vega.

“We were also able to aid stranded Filipino seafarers in Ukraine,” patuloy niya.

Nauna nang inihayag ng DFA na 7,000 Pilipino ang napauwi sa Pilipinas ngayong taon.

“It is not all because there was conflict in the country where they are at. Some had to leave their employers due to abuse, and we assisted them in securing exit permits,” pahayag niya.

“There are a few hundred of them in Southeast Asian countries who were recruited as data encoders, but it turns out they are being employed in offshore gaming operations or as scammers,” patuloy niya.

“That is why we continue to appeal to the public to go through the proper process and check with the Philippine Overseas Employment Administration (POEA),” dagdag ng opisyal. RNT/SA