Walang budget cut sa specialty hospitals – DBM

Walang budget cut sa specialty hospitals – DBM

September 14, 2022 @ 9:50 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Budget and Management na walang nangyaring pagtapyas sa pondo ng apat na state-owned specialty hospitals sa bansa.

Paglilinaw ito ng ahensya sa likod ng mga kumakalat na ulat na tinaypasan umano ang budget ng specialty hospitals sa proposed 2023 budget.

Kabaliktaran pa sa kumakalat na isyu, nilinaw ng DBM na hindi nabago o maaari ring nadagdagan pa nga ang panukalang badyet para sa National Expenditure Program para sa 2023.

“The seeming decrease in budget for LCP (Lung Center of the Philippines) comes from comparing the actual 2022 General Appropriations Act (GAA) to the 2023 NEP. In 2022 GAA, the allocated budget was further increased to P683.9 million due to upward adjustments made by Congress,” pahayag ng DBM.

Sa Philippine Heart Center naman, napanatili ang P1.8 bilyong pondo sa 2023.

Nagkaroon rin ng paglilinaw ang ahensya nang magmukhang binawasan ang budget ng Philippine Heart Center.

“The seeming decrease amounting to P362 million pertains to the congressional adjustments made in the 2022 GAA, which include additional assistance to indigent patients, procurement of electric patient beds, and expansion of the OPD Building Phase II.”

Sa karagdagan, bahagyang tinaasan rin ang proposed budget para sa Philippine Childrens Medical Center na mula sa P1.1 bilyon ay ginawang P1.2 bilyon para sa 2023.

“The DBM yields to the collective wisdom of the honorable members of Congress on whether to increase or decrease the proposed funds of government agencies during the series of budget deliberations and hearings.” RNT/JGC