Walang COVID admission sa 598 ospital sa buong bansa mula Dis. 5-9 – DOH

Walang COVID admission sa 598 ospital sa buong bansa mula Dis. 5-9 – DOH

December 10, 2021 @ 2:11 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Walang naitalang bagong COVID admission sa 598 ospital sa buong bansa mula Disyembre 5 hanggang Disyembre 9, ayon sa Department of Health.

 “We have observed that nationally, 48.5% of hospitals reported no new COVID-19 admissions in the past 5 days,” saad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa media briefing.

Base kay Vergeire, nangunguna ang Region XII sa walang COVID-19 admission sa 75.4% sa kanilang ospital; sinundan ng Bangsamoro Region na may 73.1%; at Region X na may 65.7% ng kanilang ospital.

“Meanwhile, 11% of level 3 hospitals in the NCR reported no new COVID-19 admissions in the past five days,” punto pa ni Vergeire.  RNT/FGDC