Walang dahilan para mag-panic buying sa MECQ – DTI

Walang dahilan para mag-panic buying sa MECQ – DTI

August 3, 2020 @ 7:30 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiniyak ng the Department of Trade and Industry (DTI) na sapat pa ang suplay ng mga pangunahing bilihin kaya walang dahilan para mag-panic buying ang publiko kaugnay ng 15 araw na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, hindi kailangang mag-alala ng publiko dahil sapat ito kahit pa higpitan ang quarantine measures sa Metro Manila at ilan pang probinsya.

“There is no need to panic buy. We have been through this MECQ, even ECQ before, and the supply of food and essential products have never been short,” ani Lopez

“We have over two months of finished goods inventory of almost all basic products and raw materials of even more than three months supply so there is no need to worry,” dagdag pa nito.

Nabatid na sinabi ni Pangulong Duterte na muli nitong isasailalim bukas Agosto 4 ang Metro Manila, Bulacan, at Cavite, Laguna, at Rizal sa MECQ bilang tugon sa hiling na “time-out” ng mga health workers dahil sa COVID-19. RNT/LF

Sa kabila nito, umalma ang pangulo sa paraan ng pagpapahayag ng mga ito sa kanilang panawagan imbes na sulatan na lang siya sa kanyang opisina. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...