Walang damay na Pinoy; DFA nagpaabot ng pakikiramay sa Haiti

Walang damay na Pinoy; DFA nagpaabot ng pakikiramay sa Haiti

October 8, 2018 @ 2:58 PM 4 years ago


 

Haiti – Taus-pusong pakikiramay ang ipinaabot ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Haiti kasunod ng pagtama ng 6.9 magnitude na lindol na ikinasawi ng 12 katao at pagkasugat ng 188 iba pa.

Base sa report ni Ambassador to United State Jose Manuel Romualdez, kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano,  wala ni isa sa tinatayang 500 Pilipinong sa Haiti ang naiulat na kabilang sa nasawi at nasugatan sa naturang pagyanig at mga aftershock na magnitude 5.2 sa mga sumunod na araw.

Ayon kay Ambassador Romualdez ang sentro ng lindol ay matatagpuan sa 19 kilometro hilagang-kanluran ng Port-de-Paix, habang nasa 219 kilometro naman mula sa kabisera  ng Port-au-Prince.

Sinabi ni Ambassador Romualdez, patuloy na nagsasagawa ng monitoring sa sitwasyon ang Philippine Honorary Consul General Fitzgerald Brandt kasabay ng pagtiyak na nakahanda silang magbigay ng tulong sa sinumang Pilipino na maaaring naapektuhan ng lindol. Beth Dominguez