Walang ‘discrepancy’ sa mock polls- Comelec

Walang ‘discrepancy’ sa mock polls- Comelec

December 30, 2021 @ 7:00 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Walang “discrepancy” sa nationwide mock elections na isinagawa nitong Miyerkules sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes.

Nilinaw ito ni Comelec director Elaiza David kaugnay ng insidente sa Pasay City sa mock polls kung saan 786 boto ang umano’y nai-transmit subalit 390 lamang ang voter turnout.

“We really need to clarify that. The total number of registered voters in that clustered precinct is 786. For the mock elections, the expected [number of voters] is 400. So out of that 400, there were 390 who participated,” pahayag ni David sa Laging Handa briefing.

“So wala po tayong discrepancy, medyo hindi lang po malinaw siguro iyong pagkaka-explain yesterday, iyon po. So there is no discrepancy, ang talaga pong bumoto lang is 390 out of that 400 na we expect for the mock election,” dagdag niya.

Gayundin, sinabi ni David na walang natukoy na COVID-19 symptoms sa mga nakilahok sa mock polls.

Subalit isa umano sa mga hamon na kinaharap nila ay nang hindi magkasya ang mga balota sa vote counting machines, na nagdulot ng mahabang pila sa sa kabila ng ipinatutupad na social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“The problem we saw involved feeding the ballot, which has resulted in the people being in the queue for a while. Ang siste po is, medyo nag-expand po iyong ating balota dahil yata sa weather o iyong temperature. Ginawa nga nila is trinim (trim) nila iyong balota,” sabi niya.

“So, iyon po, ipapaabot po natin iyan sa mga kinauukulan doon sa Comelec para ma-address din po iyan pagdating sa talagang eleksiyon na. Kasi we cannot afford naman po na magkaroon tayo palagi nang ganoong klaseng problema that we have trim iyong ating mga balota,” patuloy niya.

Ani David, wala pa umanong schedule para sa isa pang mock elections subalit siniguro niya sa publiko na magiging handa ang Comelec para sa halalan sa Mayo 2022.

“Definitely, a lot of our observations [during the mock polls], as well as those of LENTE, PPCRV, NAMFREL, those are all taken into account to be addressed and we are prepared for it,” aniya.

“We will have contingencies, we know what to do and what to expect,” ayon pa kay David.

Isasagawa ang national elections sa Mayo 9, 2022. RNT/SA