‘Walang duda: buhay ang diwa ng Edsa’ – pamilya Aquino

‘Walang duda: buhay ang diwa ng Edsa’ – pamilya Aquino

February 25, 2023 @ 1:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- “Walang duda: buhay ang diwa ng Edsa.”

Idineklara itong pamilya ni dating senador Benigno S. Aquino Jr. ngayong Sabado, sa pagdiriwang ng bansa sa ika-37 anibersaryo ng 1986 Edsa People Power Revolution.

Ginunita ng pamilya Aquino family ang “heroism of the Filipino people who fought to end the Marcos dictatorship, thus restoring democracy in our country.”

Sinabi ng pamilya na pinatunayan ng 1986 Edsa People Power Revolution sa mundo na kayang ibalik ng katapangan at pagkakaisa ng mga Pilipino ang kalayaan na naglaho dahil sa diktatura.

“We believe that the indomitable spirit exemplified by one Filipino nation 37 years ago remains alive to this very day.”

Naniniwala rin sila na “it is that same spirit that guards and protects our democracy, confronting those who attempt to deceive us and undermine our rights and liberties.”

Inihayag naman ng pamilya ang pakiisa sa mga kumakalaban sa diktatura at mga pagsisikap na baguhin ang alaala ng pakikibaka para makamit ang kalayaan ng bansam maging sa mga indibidwal nanagtutulong-tulong para sa magandang hinaharap ng bansa.

“Nakikiisa tayo sa lahat ng kumikilos para isabuhay ang diwa ng Edsa. Walang duda: buhay ang diwa ng Edsa,” giit niya.

Pinatay si Benigno S. Aquino Jr. sa tarmac ng Manila International Airport noong August 21, 1983, na naging mitsa ng malawakang protesta na nagsilbing katalista para sa Edsa People Power Revolution kung saan isinulong ang pagbabago sa pamahalaan.

Sa payapang protesta noong 1986, milyong Pilipino ang dumagsa sa mga kalsada ngMetro Manila para pababain sa pwesto si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ama ni incumbent Chief Executive Ferdinand Marcos Jr. RNT/SA