WALANG DUDA, SI BBM ANG MAAARING IENDORSO NI DIGONG

WALANG DUDA, SI BBM ANG MAAARING IENDORSO NI DIGONG

March 15, 2022 @ 7:35 PM 4 months ago


YES, mga pare ko, gusto n’yo bang hulaan kung sino ang babasbasan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanyang kapalit sa pagka-Pangulo?

Hindi no???

Napag-alaman po natin mula sa isang batikang politiko o “Political Kingpin” at kasalukuyang Alkalde ng Narvacan, Ilocos Sur, at tagapangulo ng League of municipal mayors’ of the Philippines at kinikilalang si Luis “Chavit” Singson, ay si  Bongbong Marcos ang siyang ieendorso ni President Rody Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas

Sa eksklusibong panayam ng isang manunulat (hindi tsismis to, noh). ipinunto ni Singson na si BBM ang binabasbasan batay sa naging talumpati ng Pangulo nang maging guest of honor at speaker siya sa pagbubukas ng  Narvacan Public Market sa Ilocos Sur,

Inihayag ni Pangulong Duterte sa mga nagsidalo na dapat ang susunod na Pangulo ng Pilipinas ay Ilocano na hahalili sa kanya sa Malacañan.

Hindi po ba “ang liwanag sa mga sinasabi ni Pres. Duterte na gusto niyang maging susunod na Presidente na papalit sa kanya ay Ilokano?

Ang tanong sino ba ang Ilokano?

“E ‘di ba si Bongbong lang ang kandidato na Ilokano? So sa madaling salita ay siya na talaga,” ito ang sabi ni Singson.

Si Singson ang isa sa malapit na kaalyado sa pulitika ni PRRD at close friend at political adviser ni BBM, na kapwa nagmula sa lalawigan ng  Ilocos.

Gaya ng mga napanonood sa telebisyon at sa social media, sina  Singson at Marcos ay palaging nangangampanya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sinabi rin ni Singson na 1,200 na alkalde ang sumusuporta sa  presidential bid ni BBM.

Batay sa surveys, nananatiling nangunguna si BBM sa mga pinipili ng mga botante sa gitna ng mga black propaganda na binabato sa kanya at ang mga kinakaharap na  disqualification cases na isinampa laban sa kanya sa Commission on Elections o Comelec.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]