Walang election offense sa ‘mishandling’ ng F2 Logisctics sa election paraphernalia – Comelec

Walang election offense sa ‘mishandling’ ng F2 Logisctics sa election paraphernalia – Comelec

June 17, 2022 @ 9:48 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Walang nakitang election offense o criminal at administrative liability sa bahagi ng F2 Logistics kasunod ng umano’y “mishandling” ng mga election paraphernalia sa Halalan 2022 sa pagsisiyasat ng  Commission on Elections (Comelec) packing and shipping committee .

Sinabi ni acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang panel ay nagsumite sa en banc ng ulat ng imbestigasyon “na sinusuri”.

“Tinitignan po namin ‘yan in so far as contract implementation is concerned… As to the other parts of legality, wala pong nakita ang packing and shipping committee na violation that would result into an election offense or any other investigation or criminal or administrative whatsoever,” sabi ni Laudiangco.

Aniya ang nakikita lamang ngayon na inaaral ay ang pananagutan  sa pagpapatupad ng kontrata.

Ibinahagi ni Laudiangco sa media ang buod ng ulat ng imbestigasyon, na nagsabing ang mga vote counting machine (VCM) at labis na materyales sa halalan tulad ng indelible ink, appointment papers, at seal, ay inilagay sa loob ng “black corrugated boxes for the official ballots.”

“So ‘pag tinignan niyo sa labas, akala mo official ballots but inside, wala pong official ballots doon, yun lang po mga nabanggit kong items,” ani Laudiangco.

“In this situation, lahat po sila magkakasama doon sa room na pinagtaguan doon sa Jose Rizal Elementary School in Manila. Dumating po si F2 Logistics and the clerk in charge apparently said, ‘Kunin mo lahat,'” dagdag pa ni Laudiangco .

Sinabi pa ni Laudiangco na ang paraphernalia ay hindi na-deliver sa abandonadong warehouse. Ang mga ito sa halip aniya ay iniwan sa “isang bukas na garahe na ginamit ng F2” sa Amadeo Cavite.

Aniya, nagpasya ang isang F2 driver at isang assistant na iwan ang mga election paraphernalia doon dahil napagtanto nilang hindi ito kasama sa kanilang manifest. Sila rin ay “time-bound” upang maghatid ng mga VCM sa ibang lugar.

He said an F2 driver and an assistant decided to leave the election paraphernalia there because they realized these were not included in their manifest. Nakatali rin aniya ang kanilang oras para mag-deliver Ng VCMs sa iba pang lugar.

Matapos maihatid ang mga makina, binawi nila ang mga gamit sa bukas na garahe at inilipat sa bodega ng F2.

Ipinaalam din aniya sa packing and shipping committee na ang lahat ng  items, ang boxes at nilalaaman ay ligtas sa F2.

Sinabi ni Laudiangco na madaling nag-ulat ang F2 sa utos na rin ni Commissioner Aimee Ferolino.

Ang F2 Logistics ay umani ng pagsisiyasat sa publiko mula nang makuha nito ang kontrata para maging poll logistics provider ng Comelec para sa halalan dahil nauugnay ito sa kaalyado ni outgoing President Rodrigo Duterte, Davao businessman Dennis Uy. Jocelyn Tabangcura-Domenden