Walang exempted sa 13th month pay-DOLE

Walang exempted sa 13th month pay-DOLE

December 18, 2022 @ 10:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Muling iginiit ng Department of Labor ad Employment (DOLE) na walang employer na exempted sa pagbabayad bng 13th month pay sa kanilang mga empleyado kahit pa isang buwan pa lamang nakakapagtrabaho sa kumpanya.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang 13th month pay ay dapat na maibigay sa mga empleyado bago ang Disyembre 24, 2022.

Sinabi pa ng kalihim na bagamat may mga kumpanya lalo ang nasa katergorya ng micro, small at medium enterprises (MSMEs)ay hirap pa rin ngunit iginiit nito na walang exemption sa pagbabayad ng kanilang 13th month pay.

Umapela si Laguesma sa mga employer na huwag nang hintayin ang deadline at ibigay na ang nasabing benepisyo.

Ang mga kasambahay aniya ay may karapatan din na makatanggap ng 13th month pay.

Samantala, sinabi ng kalihim na ang Department of Trade and Industry (DTI) ay may programa kung saan ang mga maliliit na negosyo ay maaring makahiram mula sa Small Business Corporation (SBC) upang mabigyan ang kanilang manggagawa ng mandatory 13th month pay.

Base sa insipection ng DOLE na establisyimento, nasa 95 percent ang nakapagbigay ng 13th month pay sa kanilang mga manggagawa noong 2021.

Umaasa naman anglabor secretary na ngayon ay tataas ang rate ng compliance na aniya ay kanila namang sinusubaybayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden