Walang facemask kalaboso sa “damo”

Walang facemask kalaboso sa “damo”

September 8, 2022 @ 4:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Dinakip ang isang lalaki nang makuhahan ng “damo” o pinatuyong dahon ng marijuana sa Caloocan City.

Pasado 4 a.m. ng Setyemre 7 nang arestuhin sa Moises St., Barangay 150, ng lungsod si Dante V. Avila, 29, ng Barangay 150, Bagong Barrio, Caloocan..

Ngsagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis sa nasabing lugar para sa pagpapatupad ng mga Ordinansa ng Lungsod at kampanya laban sa kriminalidad, kung saan nakita nila ang suspek na walang suot na facemask.

Agad nilapitan ang suspek upang alamin ang pagkakakilanlan ngunit sa halip na sumunod ay sinubakan nitong tumakas subalit agad na napigilan at nang suriin ang suspek ay nakumpiska sa kanya ang Isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng mga tuyong dahon na hinihinalang “marijuana”.

Ang nakumpiska sa suspek na hinihinalang “marijuana” ay tinatayang may timbang na 4.7 gramo na may halaga na Php 564.

Sasampahan ang naarestong suspek paglabag sa City Ordinance No. 0862 (Mandatory Wearing of Facemask), Art. 151 (Disobedience of a Person in Authority or his Agent) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Merly Iral