Mandatory insurance coverage para sa ilang OFWs sinuspinde ng POEA

August 15, 2022 @6:12 PM
Views:
1
MANILA, Philippines- Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang implementasyon ng pinalawig na mandatory insurance para sa land-based returning at directly hired overseas Filipino workers (OFWs) alinsunod sa utos ni Migrant Workers Secretary Susan Ople.
Binanggit ng POEA sa August 5 advisory nito na ang pagpapahusay sa global health situation, pagbubukas ng borders, at mataas na vaccination rates sa mga OFW.
“In this regard, the implementation of the expanded compulsary insurance coverage shall be temporarily suspended pending the consultations and dialogue among the recruitment industry stakeholders, and submission of an offer from the insurance providers, for improved package of services beneficial to the needs of the OFWs,” ani POEA Administrator Bernard Olalia sa Advisory No. 55.
Noong Nobyembre 2021, ipinag-utos sa Department of Labor and Employment (DOLE) Department Order (DO) 228-21 “to extend, expand, and strengthen” the protection of OFWs amid the COVID-19 outbreak.
“The suspension will save our ‘balik-manggagawa’ workers and the directly hired by foreign employers at least $35 worth of mandatory insurance coverage, while reducing the numbers of requirements imposed by government. Malaking ginhawa ito para sa ating OFWs,” pahayag ni Ople sa isang news release nitong Lunes.
Subalit, nilinaw niya na ang mandatory insurance coverage para sa newly-hired OFWs ay mananatili alinsunod sa batas.
“Para malinaw, may dalawang uri ng compulsory insurance. ‘Yung para sa mga bagong OFW na bunga ng naipasang batas, at itong expanded compulsory insurance para sa mga balik-manggagawa at direct hires na nakasaad sa isang lumang department order ng DOLE. ‘Yung itinatakda ng batas ay ating patuloy na ipatutupad dahil ito naman ay sagot ng mga foreign employers,” ayon sa kalihim.
“Ngunit ‘yung expanded na version na itinatakda ng Department Order 228 para sa mga balik-manggagawa at direct hires ay isasantabi muna natin dahil sa kakulangan ng konsultasyon sa mga stakeholders,” patuloy niya.
Kabilang sa mga probisyon ang pagre-require ng DO sa employers o mismong mga manggagawa na magbayad ng insurance coverage na may full refund sa unang araw ng pagdating sa worksite o bansang patutunguhan.
“The order to suspend will be followed by a series of formal consultations with all stakeholders most especially our OFWs in different parts of the world via online meetings since they were meant to be the primary beneficiaries of DO No. 228,” sabi ni Ople. RNT/SA
Nelson Celis bagong Comelec commissioner

August 15, 2022 @6:00 PM
Views:
13
MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Nelson Java Celis bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec).
Ibinahagi ni Comelec chairperson George Garcia ang appointment paper ni Celis.
Ipinaliwanag ni Garcia na natanggap ni Celis ang regular appointment na nangangahulugan na ang huli “cannot assume yet until confirmed.”
Ipagpapatuloy ni Celis ang unexpired portion ni dating Comelec Commissioner Aimee Torrefrana-Neri. Mauupo siya bilang Comelec commissioner hanggang Pebrero 2, 2029, base kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco.
Batay sa profile ni Celis, siya ay isang electronics and communications engineer na may 41 taong karanasan sa information technology and management.
Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering sa Don Bosco Technical College.
Nakakuha rin si Celis ng doctoral degree sa business administration sa De La Salle University.
Eksperto siya sa corporate governance, IT governance, strategic management, risk management, information security management system, business process management, systems audit, project management, business continuity management, at event management. RTN/SA
Munti Mayor Biazon nasapul ng COVID

August 15, 2022 @5:55 PM
Views:
14
MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon nitong Agosto 15 na nagpositibo siya sa COVID-19 kung kaya’t hindi siya nakarating sa nakatakdang lingguhang flag-raising ceremony na karaniwang ginaganap sa Muntinlupa City hall quadrangle.
Base sa kanyang opisyal na Facebook page post, sinabi ni Biazon na sa paggising ay naging masama na kanyang ang pakiramdam na may sipon, sore throat at may lagnat.
“Paggising ko ngayong umaga, mayroon akong sipon, konting pangangati ng lalamunan at low-grade fever,” ani Biazon.
“Bagaman naging busy ang aking schedule nitong mga nakaraang linggo mula nang ako ay maupo bilang Mayor, at baka dala lang ito ng pagod, minabuti ko na magpa-test ulit para sa Covid-19 dahil lumalaganap ang mga cases,” ani pa ni Biazon na nagsabing nito lamang Agosto 11 (Huwebes) ay nag patest na rin siya ngunit ito ay naging nagatibo.
“Lumabas na Covid positive ako. Maliban sa nasabing mild symptoms, maayos naman ang aking kalagayan,” ani pa ng alkalde.
Sa kabila ng kanyang paglalagay sa sarili sa isolation ay patuloy ang kanyang komunikasyon sa mga opisyal ng city hall para sa tuloy-tuloy na pagbibigay serbisyo sa kanyang mga konstituwente.
Si City Administrator Allan Cachuela ang pansamantalang magus-supervise ng pang araw-araw na operasyon sa city hall habang si Biazon na naka-quarantine ay nagsabing kung kailangng-kailangan ang kanyang personal na atensyon ay kaya niya itong gawin kahit pa siya ay pansamantalang nasa home isolation lamang.
“Kinalulungkot kong sabihin na lahat ng aking appointments ngayong linggo ay cancelled na habang ako ay naka-isolate,” ani pa Biazon.
Ayon kay Biazon, sa kanyang pagkapositibo sa COVID-19 ay hindi naman nahawahan ang kanyang asawang si Trina gayndin ang kanyang mga anak at kasamahan sa bahay na nagnegatibo sa COVID-19 test dahil mahigp[ti ang kanilang pagpapatupad ng protocols sa kanilang tahanan.
Kasabay nito ay pinaalalahanan din ni Biazon ang publiko na sundin ang health protocols kabilang ang pagsusuot ng face masks, disinfection o hand-washing, at umiwas sa mga matataong lugar o aktibidad. James I. Catapusan
Vergeire: Daily average ng COVID vases sumampa na sa halos 4,000

August 15, 2022 @5:46 PM
Views:
21
MANILA, Philippines- Pumapalo na sa halos 4,000 ang average na arawang bilang ng bagong COVID-19 cases sa bansa, ayon kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Lunes.
Mula Agosto 3 hanggang 9, ang daily reported infections ay may average na 3,993 ang bilang na ito ay mas mataas ng 12 porsyento kumpara sa average noong nakaraang linggo.
“Nationally, [COVID-19] cases continue to increase, now averaging at 3,993 cases per day in the recent week,” aniya sa Senate committee hearing on health and demography.
“Note that the seven-day moving average is almost twice the cases we reported less than a month ago at 2,258 cases per day,” dagdag niya.
Sa kabila ng paglobo ng bilang ng mga impeksyon, nananatili ang Pilipinas sa low risk para sa COVID-19, base kay Vergeire. RNT/SA
Pinas nakapagtala ng 28,008 bagong COVID cases mula Agosto 8-14

August 15, 2022 @5:44 PM
Views:
23