Walang hacking sa Comelec warehouse sa Laguna- NBI

Walang hacking sa Comelec warehouse sa Laguna- NBI

January 16, 2022 @ 8:54 AM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na walang naganap na hacking sa Commission on Elections (Comelec) warehouse sa Laguna, batay sa ulat nitong Sabado.

Nagsagawa ang mga kinatawan ng NBI at Comelec ng site inspection sa warehouse ng Comelec sa Sta. Rosa, Laguna nitong Sabado kasunod ng mga ulat ng hacking ng mga datos para sa Halalan 2022.

“Tinignan natin yung configuration saka testing area, we are convinced na hindi rito nangyari, walang nangyaring hacking,” sabi ni NBI officer-in-charge Eric Distor.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinakilos na ang NBI cybercrime division at special project team matapos humingi ng tulong ng Comelec sa NBI.

“Certain documents were turned over to the NBI for validation and authentication. A thorough investigation is now in progress,” ani Guevarra.

“We have tasked our cybercrime division as well as the NCR (National Capital Region) and special project team to closely coordinate with the Comelec. We are closely coordinating with the proper authorities through their IT for any development,” sabi naman ni Distor.

Samantala, siniguro ng poll body na hindi naka-konekta sa internet o kahit na anong network ang sistema nito na dahilan upang maging exposed sa hacking.

“Nakita naman nila na stand alone yung ating system is not connected in the internet or any network and itong aming data is hindi pa nag-gegenerate so wala ka pang puwedeng makuha dito kasi wala pa tayong data na nagenerate dito sa Sta. Rosa,” ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo. RNT/SA