Walang istranded na pasahero, barko sa masamang panahon – PPA, PCG

Walang istranded na pasahero, barko sa masamang panahon – PPA, PCG

December 26, 2022 @ 5:59 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Walang istranded na pasahero sa mga pantalan ayon sa Philippine Ports Authority (PPA) ngayong Kapaskuhan sa kabila ng masamang panahon.

Sa datos, nasa 175 pantalan sa ilalim ng PPA ang operational ngayong Holiday season kung saan 25,011 ang embarked o sumakay na mga pasahero sa pamamagitan ng sea travel habang 20,421 naman ang bilang ng mga bumabang pasahero.

Habang 3,077 naman ang drivers at helpers ng RoRo cargoes.

Samantala , sinabi rin ng Philippine Coast Guard (PCG) na sa “Oplan Biyeheng Ayos: Pasko 2022 na wala ring stranded na pasahero at mga barko.

Ito ay base sa ulat ng PCG Command Center.

Sa kanilang pinakahuling update kaninang umaga, Disyembre 26, nakamonitor ang PCG ng kabuuang 42,131 outbound passengers at 40,027 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Bukod dito, 1,961 ang nakadeploy na frontline personnel sa 15 PCG Districts.

Kabuuang 223 vessels at 423 motorbancas ang kanila na ring na-inspeksyon habang nananatiling naka-heightehed-alert ang buong puwersa ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden