Walang kakaiba sa pagpapalit ng liderato sa AFP – spox

Walang kakaiba sa pagpapalit ng liderato sa AFP – spox

January 11, 2023 @ 2:31 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Walang iregularidad sa biglaang pagpapalit ng liderato sa Armed Forces of the Philippines.

Ito ang sinabi ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar nitong Miyerkules, Enero 11 matapos na italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Gen. Andres Centino bilang AFP chief of staff kapalit ni Lt. Gen. Bartolome Bacarro na limang buwan pa lamang nakaupo sa pwesto.

“It’s not irregular in the sense that it is within the bounds of the law, meaning the President just exercised his authority and power to designate his chief of staff, being the commander of chief in the Armed Forces of the Philippines,” ani Aguilar sa panayam ng ANC.

“It is good for the Armed Forces of the Philippines and Gen. Centino believes in that also. He knows very well that this is a new law and sometimes there are birth pains that we have to deal with,” dagdag pa niya.

Pinapayagan din ng Republic Act 11709 si Centino na maglingkod sa buong tatlong taon ng termino sa kabila ng pag-abot nito sa mandatory retirement age na 56 sa susunod na buwan.

Nauna nang pinasinungalingan ng AFP ang usap-usapan na destabilization plot laban sa administrasyong Marcos kasunod ng biglaang pagpapalit sa liderato nito.

“There’s no need for an investigation inside the Armed Forces of the Philippines because even after or during the change of command ceremony, we didn’t even raise our alert level,” sinabi pa ni Aguilar.

“We know that officers come and go and therefore, we have to follow the change of command always to make sure the organization is united and that we are able to perform our mandate,” pagpapatuloy niya.

Noong nakaraang linggo ay nagbitiw sa pwesto si dating Defense chief Jose Faustino Jr. at sinabi na ginawa niya ito matapos malaman na nagpalit na ng liderato sa military na nalaman niya lang mula sa tv at social media.

Itinanggi naman ng Palasyo na hindi ito alam ni Faustino. RNT/JGC