Walang lisensyang recruitment agency pinasara ng DMW

Walang lisensyang recruitment agency pinasara ng DMW

September 4, 2022 @ 4:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado ang isang recruitment agency sa Makati City matapos itong patuloy na mag-recruit ng mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa sa kabila ng pagkansela ng lisensya nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan Ople na na-padlock ng Anti-illegal Recruitment Branch (AIRB) ng ahensya ang mga opisina ng Azizzah International Manpower Services, Inc., na kinansela ang lisensya at akreditasyon noong Hunyo 15 kasunod ng iba’t ibang paglabag at reklamo ng mga naghahanap ng trabaho.

“The DMW has zero tolerance for recruitment agencies operating outside the law, existing even when its licenses have been canceled by the POEA,” sabi ni Ople .

Sinabi ni Ople na ang mga ahensya, kabilang ang Azizzah, ay isinara dahil sa mga malubhang paglabag na may kinalaman sa pagsasamantala sa mga manggagawa.

Sinabi ni Ople na si Azizzah ay patuloy na nag-isyu ng mga job order para sa serbisyo sa sambahayan at mga skilled worker sa Saudi Arabia, gayundin ang paniningil ng mga placement fee na katumbas ng isang buwang suweldo mula sa mga aplikante, sa kabila ng utos ng pagkansela nito.

Isinagawa ang operasyon kasama ang mga opisyal ng Palanan, Makati City, at mga tauhan ng Southern Police District–National Capital Region Police Office (SPD-NCRPO).

Hinimok ng DMW ang mga biktima ng illegal recruitment na makipag-ugnayan sa Anti-illegal Recruitment Branch sa pamamagitan ng Facebook (FB) account nito sa https://www.facebook.com/airbranch, o iulat ang mga naturang krimen sa https://www.facebook.com/ dmw.gov.ph. Jocelyn Tabangcura-Domenden