Walang major damage sa Davao de Oro quake – OCD

Walang major damage sa Davao de Oro quake – OCD

February 3, 2023 @ 11:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Biyernes na walang matinding pinsala na naiulat sa vital infrastructures mula sa magnitude 6 earthquake na yumanig sa lalawigan ng Davao de Oro nitong Miyerkules ng gabi.

Sa pinakabagong disaster bulletin, sinabi ng ahensya na walang major interruptions na naiular sa communication networks.

Wala rin umanojng major power at water interruptions at walang major damage sa mga kalsada at tulay na naiulat sa lugar.

Sa kasalukuyan ay wala ring napapaulat na nasawi.

Subalit, kinumpirma ng OCD na nagtamo ng sugat ang 16 indibidwal at 97 tao ang apektado ng lindol habang 52 structures at apat na tahanan ang nagtamo ng minor damage. RNT/SA