Walang mali sa pagpunta ni PBBM sa Singapore – Dalipe

Walang mali sa pagpunta ni PBBM sa Singapore – Dalipe

October 3, 2022 @ 12:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipinagtanggol ni House Majority Leader Mannix Dalipe si Pangulong Bongbong Marcos sa natanggap nitong batikos matapos magtungo sa Singapore at dumalo sa isang F1 Grand Frix event.

Ayon kay Dalipe ang pagtungo ni Pangulong Marcos sa Singapore ay dahil sa imbitasyon.

“There was also an invitation, if im not mistaken yung invitation is for leaders of Southeast Asia,” paliwanag ni Dalipe.

Sinabi ni Dalipe na base sa kanyang natanggap na impormasyon ay nagkaroon ng imbitasyon sa mga opisyal mula sa South East Asia at dahil ang Pilipinas ay isa sa mga lider sa Southeast Asian countries kaya hindi maiiwasan na maibitahan din ang Pangulo.

“So I think the government officials of singapore, to my undestanding, were inviting officials from different parts of the South East Asia. So kasi if you can recall, in the recent trip, pumunta sila ng Indonesia, pumunta ang ating mahal na Pangulo sa Singapore, and I think that is where that invitation was relayed. So hindi lang si mahal na Pangulong Marcos ang naimbita sa Singapore for that event but also other leaders from other parts of Southeast Asia. And I think it so happened that it is an event for them to get together and socialize. I think there is nothing with that,” paliwanag ni Dalipe sa isang ambush interview ng mga reporters.

Ilang grupo ang una nang bumatikos kay Pangulong Marcos dahil sa ginawa nitong paglipad sa Singapore para manood sa isang international racing event, ang dalawang araw na event ay ginanap sa Marina Bay Street Circuit mula September 30 hanggang October 2.

Sinabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes na ang trip na ito ni Pangulong Marcos ay pagpapakita ng kanyang pagiging manhid habang ang bansa ay naghihirap dala ng mababang palitan ng piso sa dolyar, epekto ng pandemic, pananalasa ng bagyong Karding at iba pang mga problema ay nagawa nitong manood lamang ng international event.

“So why does the President think it’s okay to take a private jet to Singapore to watch the return of the F1 Grand Prix? How much are the Filipino taxpayers paying for this trip?”pahayag nito.

Binatikos din nito ang jet-setting lifestyle” ni Pangulong Marcos na hindo akma sa Office of the President.

“We are approaching the first 100 days in office of Marcos and it has been one party after another since he returned to Malacanang. The jet-setting lifestyle is incompatible with the Office of the President. The people demand a concrete response to the economic crisis, not a partying president,” pagtatapos pa ni Reyes. Gail Mendoza