Walang manlalakbay galing S. Africa noong Nobyembre na nagpositibo sa Omicron – DOH

Walang manlalakbay galing S. Africa noong Nobyembre na nagpositibo sa Omicron – DOH

December 11, 2021 @ 3:47 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Negatibo sa Omicron variant ng COVID ang 200 manlalakbay galing South Africa na dumating sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

“As of December 9, meron po tayong lumabas na resulta ng whole genome sequencing. Unang una, gusto natin ipaalam sa ating mga kababayan there was no sample positive for the Omicron variant,” lahad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.

Sa ngayon ay binabantayan ng DOH ang 253 manlalakbay galing South Africa na dumating sa bansa mula Nobyembre 15 hanggang 29 bago pa ipatupad ang red alert sa South Africa.

“Hindi siya Omicron. Hindi rin siya isa mga variant na binabantayan natin sa bansa at hindi variant of concern o variant of interest.” RNT/FGDC