Walang naitalang COVID sa studes ng pilot in-person classes – DepEd

Walang naitalang COVID sa studes ng pilot in-person classes – DepEd

December 11, 2021 @ 10:30 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na walang naitalang COVID-19 infection sa halos 300 paaralang nakiisa sa pilot implementation ng face-to-face classes sa nagdaang tatlong linggo, batay sa ulat.

Sa press conference, sinabi ni DepEd Dir. Roger Masapol na ang kanilang attendance rate sa magkakasunod na linggo ay 82 percent, 83 percent, at 82 percent.

Sa ngayon, isang paaralan lamang sa Zambales ang naka-lockdown dahil sa mga gurong nagpositibo sa COVID sa antigen test bago simulan ang face-to-face classes noong Nobyembre 15.

Samantala, sinabi rin ni Education Assistant Secretary Malcolm Garma na ilang paaralan ang nag-postpone ng pilot face-to-face classes partikular na sa Calabarzon, Western Visayas, Zamboanga, at Davao Region.  RNT/FGDC