Walang naitalang UFO sighting sa Pinas – PhilSA

Walang naitalang UFO sighting sa Pinas – PhilSA

November 11, 2022 @ 10:15 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Wala pang naitatalang unidentified flying object (UFO) sighting sa bansa.

Ito ang sinabi ng Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Huwebes, Nobyembre 10 sa pamamagitan ni Senador Francis Tolentino na siyang dumidepensa sa proposed budget ng ahensya sa susunod na taon kasabay ng plenary deliberations ng Senado.

Tugon niya ito sa tanong ni Senate President Juan Miguel Zubiri, tungkol sa UFO at kung ito rin ba ang kumukolekta ng mga datos tungkol sa UFO phenomenons.

“Are you also the agency to go to if there are sightings of UFO, unidentified flying objects?” tanong ng Senador.

“Meron ba silang alam na mga recorded UFO sightings sa ating bansa? Kasi yung NASA nilabas na nila e. Yung NASA nag declassify na ng UFO records. Iniisip ko baka pwde sila din repository din ng mga unidentified flying objects phenomenons,” dagdag pa niya.

Makalipas ang konsultasyon sa mga opisyal ng PhilSa na naroroon sa sesyon, sinabi ni Tolentino na wala pa umanong natatanggap na ulat tungkol sa UFO sightings sa Pilipinas.

“…I was informed by the DG that they will try to endeavor pero wala pa daw reported sa’tin na UFO ngayon. Siguro natatakot sa bagyo [there had been no report about UFO, maybe they are afraid of the typhoon here],” ani Tolentino. RNT/JGC