Walang naiulat na karahasan kahit walang AFP-NPA ceasefire – opisyal

Walang naiulat na karahasan kahit walang AFP-NPA ceasefire – opisyal

December 26, 2022 @ 11:24 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Walang naiulat na karahasan sa araw ng Pasko, sa kabila ng kawalan ng ceasefire sa pagitan ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar nitong Lunes na naging “peaceful” ang pagdiriwang ng Pasko.

“There was no violence. There [were] no reported atrocities conducted by the CPP-NPA (New People’s Army),” ani Aguilar. “In fact, what happened the past week is more on surrender of personalities, CPP-NPA members from different parts of the country, in Zamboanga del Sur, in Sorsogon area.”

“So, we had a very peaceful celebration of Christmas and we supported the [Philippine National Police] in the conduct of law enforcement operations so that there would be peace and order in our communities,” patuloy niya.

Mayroong 23 guerilla fronts na kasalukuyang nasa bansa, base kay Aguilar. Sa bilang na ito, lima lamang ang aktibo– apat sa Samar at isa sa Mindanao.

Para kay Aguilar, “insanity” para sa CPP at armed wing nitong New People’s Army o NPA na mapaniwalang mapababagsak nila ang pamahalaan.

“The longest insurgency is stubbornness on their part and for them to think that they will still achieve their ultimate goal of overthrowing the government in political power is already insanity,” giit niya.

“Their insistence to survive, to remain is a kind of selfishness on their part because what I believe is that it’s not the ideology anymore, but more of the benefits that they derive from the underground movement because of the resources they generate either domestically or from abroad,” dagdag niya.

Hinikayat din ni Aguilar ang publiko na makipagtulungan sa pamahalaan upang wakasan na ang communist insurgency. RNT/SA