Walang oposisyon sa ‘Magic 12’

Walang oposisyon sa ‘Magic 12’

July 16, 2018 @ 6:55 AM 4 years ago


 

Inilabas ng Pulse Asia ang sarbey nito para sa mga tatakbong senador nitong Hulyo 9.

Sa nasabing sarbey na isinagawa noong Hun­yo 15 hanggang 21, ka­pan­sin-pansin na walang nakapasok sa ‘magic 12’ na mula sa oposisyon kahit isa.

Si Bam Aquino ng Libe­ral Party ay ika-13 sa sarbey.

Nabanggit ang panga­lan ni Mar Roxas, ngunit milya-milya ang layo kay Bam.

Nangangahulugang ayaw pa rin ng publiko na makabalik si Roxas sa pamahalaan.

Masama ang mensaheng ipinaaabot ng sarbey sa LP.

Magalit na kayong mga taga-LP.

Maghuramentado na kayong mga kaututang-dila ni Noynoy Aquino, ngunit ang ibig sabihin lamang ng wala kahit isang oposisyon sa ma­gic 12 ay isinusuka na ng mamamayan ang dilawan.

Para sa mamamayan, sapat na ang anim na tao­ng panloloko sa taumbayan.

Tama na ang pangwawalanghiya at pambabalasubas sa pondo ng pamahalaan.

Kaya hindi dapat maulit ang paghahari ng dilawan kung saan tila sinapian ng espiritu ni satanas ang ilan sa kanila.

Kaya kung magpasya at kumilos ay muntik nang lapain pati ang perang nakalaan sa mahihirap at senior citizen.

Sa susunod na taon pa naman ang halalan, ngunit nitong Hunyo pa lang ay sinimulan nang ipakita ng mamamayan ang pagkasuklam nila sa oposisyon.

Kaya tanggal sila sa magic 12.

MAGKATUNGGALING DOKUMENTO

WALANG nagbabalewala sa reklamo ng mga guro sa Quezon City hing­gil sa pagkaantala ng ka­ni­­lang allowance.

Sapagkat hindi naman talaga ito naibigay ng pamahalaang lokal ng Que­zon City.

Pero walang kasala- nan ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod, kabilang na si Mayor Herbert Bautista, kundi ang magkakatunggaling dokumento.

Sa masusing pagsisiyasat at pag-aaral ni Vice Mayor Joy Belmonte, natukoy niya na ang “major inefficiencies and blatant discrepancies in payroll documents submitted by the Schools Division Office (SDO) to the City Accounting Department” which involved incorrect account numbers, misspelled names, outdated civil status and more.”

Idagdag pa ang “automated system detects inaccuracies and when there are inaccuracies, documents need to be returned to the SDO for correction,” tugon ni Belmonte.

Ngayon, inaasikaso na ni VM Belmonte ang problema upang mapaki­naba­­ngan na ng mga guro sa Quezon City ang kanilang allowance.

Ibig sabihin, binigyan ni VM Belmonte ng “joy” ang mga guro upang matapos na ang kanilang pangamba sa kanilang ­allowance.

-BADILLA