Walang outbreak ng Hand, Foot and Mouth Disease – DOH

Walang outbreak ng Hand, Foot and Mouth Disease – DOH

December 6, 2022 @ 5:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Wala pang basehan para magdeklara ng outbreak para sa Hand, Foot and Mouth Disease, sabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, ang naitalang 155 kaso ng HFMD sa National Capital Region (NCR) ay hindi nangyari nang isahan lang kundi nangyari sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan mula October hanggang December 6, 2022.

Sinabi ni Vergeire na nakita ang pagtaas ng kaso ng HFMD sa nakaraang mga linggo pero wala pa aniyang trigger o basehan para sa mga local goverment units na magdeklara ng outbreak sa kanilang mga lugar .

Ang pahayag ni Vergeire ay sa gitna ng mga kumakalat na social media post patungkol sa dumaraming kaso ng HFMD.

“These are all manageable and preventable,” pahayag ni Vergeire sa press briefing ng DOH.

Ang mga kaso ng naturang sakit ay mga edad 11 pababa. Jocelyn Tabangcura-Domenden