Walang paglabag sa pagbabakuna ng mga Muhlach – DILG

Walang paglabag sa pagbabakuna ng mga Muhlach – DILG

June 4, 2021 @ 10:18 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government, Biyernes, na wala umanong nangyaring paglabag sa sabay-sabay na pagbabakuna ng pamilya ni Aga Muhlach.

Noong Hunyo 1 kasi nang sabay-sabay na magpabakuna laban sa COVID-19 sa Muntinlupa ang aktor kasama ang kanyang asawa, Charlene Gonzales-Muchlach, at dalawang anak, Atasha at Andres, kung saan umani ito ng pagbabatikos.

Klinaro ng DILG na ang apat ay kwalipikadong mabakunahan dahil nagrehistro ang mga ito sa portal ng syudad sa ilalim ng A3 category o yaong may mga comorbidities.

Sinabi ni Interior Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na nagpresenta ang pamilya ng medical certificates mula Asian Hospital and Medical Center na naberipikang may comorbidities sila.

“Documents regarding their vaccination were also submitted to the DILG,” ani Malaya. “Therefore, the Department sees no violation of DOH or IATF’s regulations in the aforementioned vaccination.” RNT