Walang pakialam sa kalikasan basta magkapera

Walang pakialam sa kalikasan basta magkapera

July 8, 2018 @ 2:28 PM 4 years ago


 

Mula sa paglilinis sa mga basura, sa mga ilog, sa karagatan at sa polusyon sa hangin ay kahanga-hanga ang pamunuan ng Department of Environment and Natural Resour­ces sa ilalim ni Sec. Roy Cimatu sa mga ginagawa nitong kampanya.

Ngayon lamang kasi na­ging seryoso at walang sini-sino ang DENR sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Rod­rigo Duterte basta sa trabaho nito basta tungkol sa kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran.

Pero mababalewala ito kung may isa namang ahensya ng gobyerno na sablay at walang ginagawang mahusay sa kanilang tungkulin para sa bansa.

Sinugod kasi at kinondena ng civil society organizations, consumer group at homeow­ners ang Energy Regulatory Commission para hilingin na ibasura nito ang ilang Power Supply Agreements (PSAs) na walang kaukulang Environmental Compliance Certificates (ECCs) mula sa DENR.

Ayon kay Power for People (P4P) Spokesperson Erwin Puhawan, lumalakad ang pa­nahon ay nakatunganga pa rin ang ERC sa pagbasura sa PSAs.

Natuklasan na pitong PSAs ang hindi dumaan sa tamang Competitive Selection (CSP) at lumilitaw na tatlo dito ang walang ECCs.

Natukoy na ang coal pro­jects sa Bataan, La Union at Pagbilao, Quezon ay dapat na-dismiss na noong katapusan ng Hunyo, batay sa rules dahil sa kawalan ng ECCs.

Ang pag-apruba sa PSAs ng walang ECCs ay paglabag sa environmental rights ng host communities.

Samakatuwid, ang mga nasabing energy projects ay mag­papatuloy kahit walang nakaaalam kung ano ang magiging epekto nito sa kalusu­gan at kabuhayan ng mama­mayan sa paligid kung saan ito itinayo. Tsk! Tsk! Tsk!

Sa kabiguan ng ERC na tumugon sa nasabing problema, tuloy ay ipinapakita nito na wala itong pakialam sa kapakanan ng mamamayan.

Paano naman tayo magi­ging optimistic tungkol sa hinaharap ng proyektong ito kung sa ngayon pa lang, ang mga komunidad ay nagdurusa na bago pa man ang operasyon ng mga nasabing proyekto.

Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa ng Sanlakas Multisectoral Coalition, sa harap ng kaliwa’t kanang pagtaas ng mga pa­ng­u­nahing bilihin ay dapat na mahadlangan ang aniya’y ma­rumi at magastos na energy mu­la sa coal na asahan ding mag­tataas ang halaga sa su­su­­nod na 20-year period.

Ani Atty. Pedrosa, dapat nang matigil ang mga kasinu­ngalingan o panlilinlang sa ma­mamayan sa pamamagitan ng pagpapahinto sa maano mal­ya at napakamahal na kontrata.

-Sa Kanto’t Sulok