Walang pang usapin ng Christmas ceasefire sa NPA – AFP

Walang pang usapin ng Christmas ceasefire sa NPA – AFP

December 14, 2022 @ 7:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Wala pang napag-uusapan ng posibilidad ng ceasefire sa Pasko sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at New People’s Army (NPA).

Ito ang ibinahagi ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar nitong Martes, Disyembre 13 kung saan sinabi niya na kahit magkaroon pa ng usapin sa ceasefire sa Christmas season ay hindi masisigurong talagang hindi gagawa ng kaguluhan ang mga rebelde lalo na sa “leadership crisis” na nagaganap sa CPP.

“It is not being discussed yet and the CPP is suffering from [a] leadership crisis after the neutralization of many of its national leaders.”

“In short, there is no one to negotiate with, and the Party has no capability to impose ceasefire,” dagdag ni Aguilar.

Sa kabila nito, sinabi pa niya na posibleng magpatupad ang gobyerno ng suspensyon sa military operations laban sa NPA sa mga lugar na maituturing na mahina na ang grupo.

“We pray for the enlightenment of the CPP cadres that reforms have already taken place in our government and our society. It is time for them to abandon armed struggle and disband the NPA,” aniya. RNT/JGC