Walang Pasig transparency survey – Comelec

Walang Pasig transparency survey – Comelec

December 9, 2021 @ 12:12 PM 10 months ago


Manila, Philippines — Nilinaw ni Comelec spokesman James Jimenez na walang kinalaman ang Commission on Elections sa “transparency survey” ng  mayoral candidates sa Pasig City sa 2022 elections.

“The Comelec has not commissioned or participated in any ‘transparency survey.’ Nor have I been able to verify this infographic’s authenticity with the SWS,” tweet ni Jimenez.

Ito ang kanyang reaksyon sa infographic ng isang survey na isinagawa umano mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 1 kung saan nakatanggap ng 52% trust rating si Pasig Mayor Vico Sotto kumpara sa  47% na natanggap ng kanyang katunggaling si Vice Mayor Iyo Caruncho.

Nakasaad sa infographic na isinagawa umano ito ng “SWS PasigPH Chapter” ng District 1 at 2 sa Pasig City na may nakalagay pang “Comelec-Philippines Transparency Survey.”

“Not aware of this. As a matter of policy, Comelec ought to avoid any appearance of partiality so, this bears looking into,” dagdag pa nito. RNT/FGDC